tagalog love poems

Ikaw - Tagalog Poem

Sa aking puso, ikaw lang ang nag-iisa,
Pangako, wala nang iba.
Ang mukha mo palagi sa aking isipan,
Matibay talaga ang ating pag-mamahalan.

Palaging binabanggit ng puso
Ang unang pangalan ko dugtong sa apelyido mo.
Ika-dalawampu't siyam ng Pebrero naging tayo,
Hanggang magpakailanpaman ikaw ang aking mundo.

Labis ang kasiyahan na tawagin kitang akin,
Mahirap ipaliwanag ang nasa aking damdamin.
Sa buhay ko ikaw ay katangi-tangi,
Dinadasal ko sa Panginoon na ikaw ay mananatili.

Ang ideya mo, sa aking puso ay makalaktaw,
Mga paruparo sa tiyan ko gabi at araw.
Ang sakit na binibigay ng iba, mapapaalis mo,
Salamat sa pagiging bahagi ng buhay ko.

Sisiguraduin kong hindi kita paiiyakin o sasaktan,
Di parati ang lalakeng tulad mo ay aking matatagpuan.
Pagmawala ka sa akin, yan ay di ko makakaya,
Mamahalin kita palagi ng lubos, ito ang aking sumpa.


Tula ng Pamilya

Siguro, hindi na ako makakakita pa
Ng pamilyang kasimbuo ng isang tula,
Yung sama sama ang mga talinghaga
Sa hirap man o sa ginhawa

Yung kapag binabasa mo’y kumakanta
Sa sala’y naglalaro’t nagpapatawa
May pag-ibig na nadarama
Sa bawat pahayag o taludtod nya.

Yung hindi kayang ilipad ng hangin
Ang kanyang himig o adhikain
May bagyo man o may rilim
Matatag, umiindayog pa rin.

Yung ang mga salita ay may bisa
Sa isip at galaw ng mga bata
May paggalang sa mga matatanda
Mga kapitbahay at mga bisita.

Pero ako ay nalulungkot
Panahon nati’y iba ang ikot
Sa mga mataka ay may dulot
Na paglayo at pagkalimot

No comments:

Post a Comment